Ang Pilosopo Kuwentong Bayan Ng Ng Mindanao

Ang pilosopo kuwentong bayan ng ng mindanao

Answer:

Ang Pilosopo.

Explanation:

Noong unang panahon, may isang bayan na ang naninirahan ay mga taong sunudsunuran  na lamang dahil sa takot na masuway ang batas na umiiral sa nasabing bayan.  Isang araw, namamasyal ang kanilang pinunong si Abed sa mga kabahayan ng kanyang  mga tauhan upang tiyakin kung sino sa kanyang mga tauhan ang mga naghihirap upang  mabigyan ng pagkain.  Nang mapansin ni Subekat na lumilibot araw-araw si Abed upang mamigay ng pagkain  sa mga naghihirap ay kaagad kumuha ng bato at isinalang sa kalan para mabigyan ng pagkain.  Nang marating ni Abed ang kubo, binati siya ni Subekat. Luminga-linga si Abed at nakita  niya ang kaldero na may nilagang bato. Nung mapansin niya, sinabi ni Subekat na kunin  kinaumagahan ang kanyang parte dahil may inilaan sa kanya.  Isang araw nagtipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor (pantanghaling  pagdarasal). Nang makatapos sila ay nagtanong si Abed kung sino ang wala sa kanyang mga  tauhan. May nakapagsabi na si Subekat ang wala. Samantala, ipinaalam ni Abed sa mga tao  na aalis sila para magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang ang lupa para sa susunod na  henerasyon. Nang papaalis na sila, saka pa lamang dumating si Subekat na hindi sumali sa  pagdarasal at sinabing sasama siya. Sinabi ni Abed na maaaring sumama si Subekat kahit na  hindi niya siya nakita sa pagdarasal ngunit sa pag-alis nilang ito ay matatanto niya kung tunay  ba na kasama si Subekat o hindi. Bago umalis ang pangkat, hinabilin ni Abed sa bawat isa na  magdala ng bato na tamang-tama lang ang bigat sa kanila. Nagdala si Subekat ng batong  sinlaki lang ng kanyang hinlalaking daliri.  Nang mapagod na sila sa walang humpay na paglalakbay, nagpahinga sila at naghugas  upang magdasal. Hindi pa rin sumali si Subekat. Nang matapos ang pagdarasal, ipinag-utos ni  Abed na buksan ang kanilang baon. Nang mabuksan na nila, naging tinapay ang lahat ng dala  nilang bato. Si Subekat na ang dala ay sinlaki lamang ng hinlalaki ay nagutom dahil sa liit ng  kanyang tinapay.  Nang paalis na naman sila, sinabi uli ni Abed sa bawat isa na magdala ng maliit lamang  na bato. Sumunod lahat ang mga tao maliban kay Subekat na ang dinalang bato ay ang  pinakamalaki dahil magiging tinapay raw ito. Nang dumating na sila sa pupuntahan nila,  sinabi ni Abed na bawat isa sa kanila ay ihagis sa abot ng kanilang makakaya ang kanilang  bato dahil ito na rin ang lawak ng lupang matatamo ng bawat isa. Samantalang, si Subekat na  may pinakamalaking bato ay sinlaki lamang ng bilao ang nakuhang lupa dahil sa hindi niya  kayang ihagis ang kanyang dalang bato. Doon lamang sa nahulugan ng bato ang kanyang  makukuhang lupa. Nalungkot si Subekat sa kanyang makukuhang lupa. Nang makita ni Abed  ang liit ng kanyang nakuhang lupa sinabi niya kay Subekat na hindi ito sumusunod sa mga  patakaran. Sinabi pa sa kanya na dahil siya ay hindi marunong sumunod sa mga alintuntunin,  wala siyang magandang kinabukasan.


Comments

Popular posts from this blog

What Is The Message Of The Proverb Don Not Put Off For Tomorrow What You Can Do For Today ? (5 Sentences)

Why Is Freedom So Important?

Life Of William Shakespeare